Connect with us

Capiz News

63 anyos na lolo arestado sa kasong rape sa bayan ng Panitan

Published

on

Inaresto ng kapulisan ang isang 63-anyos na lolo sa kasong rape sa Brgy. Poblacion, Ilawod, Panitan, Capiz.

Kinilala ang akusado na si Mario Daza, residente ng Brgy. Cogon sa nasabing bayan.

Itinuturing na Top 2 Most Wanted Person ng Numancia, Aklan ang naturang akusado.

Siya ay inaresto ng mga tauhan ng Panitan PNP at ng Numancia PNP sa bisa ng warrant of arrest.

Ang kaniyang warrant ay ibinaba at nilagdaan ni Bienvinido Barrios Jr., Presiding Judge, ng Regional Trial Court Branch 3 sa Kalibo, Aklan noon pang Pebrero 2017.

Walang itinakdang pyansa ang korte para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *