Connect with us

Capiz News

2 sunod na kaso ng suicide naitala sa Roxas City

Published

on

Dalawang magkasunod na kaso ng suicide ang nangyari sa Roxas City kung saan patay ang parehong mga biktima.

Nitong Linggo ng hapon, Setyembre 27, isang 32-anyos na lalaki ang nagbigti sa loob ng kaniyang kuwarto sa Brgy. Dinginan.

Patay na nang maabutan ng kaniyang mga kaibigan ang nasabing lalaki sa loob ng kaniyang kuwarto.

Nabatid na bago ang insidente nakipag-inuman pa ito umaga ng parehong araw kasama ang ilan niyang mga pinsan at mga kaibigan.

Samantala, nito namang umaga ng Lunes, Setyembre 28, isa namang 62-anyos na lalaki ang nagbigti-patay rin sa Barangay IX.

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang parehong insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *