Connect with us

Capiz News

5 Preso ng BJMP-Roxas City Jail, nagpositibo sa COVID-19

Published

on

Nagpositibo sa COVID-19 ang limang preso ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Roxas City Jail.

Ito ang kinompirma ni City Jail Warden CInsp. Felix Sariana sa isang panayam.

Ayon kay Sariana, isinailalim sa swab test ang mga nasabing preso noong Setyembre 16 at nitong Setyembre 20 lumabas ang resulta na sila ay positibo sa nasabing sakit.

Nilinaw naman ng Jail Warden na ang mga nasabing pasyente ay hindi pa na-iremit sa kanilang tanggapan.

Aniya, dinadala muna sa isolation facility sa Pototan, Iloilo ang mga preso at isinasailalim sa swab test bago i-remit sa Roxas City Jail.

Nabatid na ang mga nasabing preso na pawang mga taga-Roxas City ay mga asymptomatic.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *