Connect with us

Capiz News

Isang menor de edad patay matapos madaganan ng natumba na puno ng buri

Published

on

Patay ang isang menor de edad matapos madaganan ng puno ng buri sa Brgy. Pangpang Norte, Mambusao, Capiz umaga nitong Sabado.

Ayon sa report ng Mambusao PNP, naganap ang insidente habang natutulog sa kanilang bahay ang biktima na isang Grade 4 pupil.

Kinilala ang biktima na si Cris Tablatin.

Dahil sa lakas ng pagkakabagsak ng puno ng buri, nawasak ang nasabing bahay at nadaganan ang biktima.

Isinugod pa ito sa Mambusao District Hospital pero hindi na umabot pa ng buhay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *