Connect with us

Capiz News

Empleyada ng CAPELCO nagpositibo sa COVID-19

Published

on

Nagpositibo sa COVID-19 ang isang empleyada ng Capiz Electric Cooperative (CAPELCO) na nakabase sa kanilang annex office sa Brgy. Dayao, Roxas City.

Ito ang kinompirma ni Engr. Edgar Diaz, General Manager ng CAPELCO, sa isang panayam.

Ayon kay Diaz, noong Setyembre 16 nang makaranas ng sintomas ng COVID-19 ang nasabing empleyada kaya hindi na aniya ito pinabalik sa trabaho.

Huwebes nang dumating ang resulta ng swab test ng nasabing empleyada kung saan lumabas na positibo ito sa nasabing virus.

Sinabi ng General Manager na nirelive nila ang 15 nilang empleyado na naka-close contact ng nagpositibo na empleyada.

Kaugnay rito, sinabi ng opisyal ng CAPELCO  na pansamantala nilang ipinasara ang naturang tanggapan hanggang sa Setyembre 21, Lunes, para magsagawa ng disinfection.

Idinagdag ni Diaz, na bibigyan nila ng pitong araw na extension ang due date ng mga konsyumer na hindi nakapagbayad dahil sa sarado ang tanggapan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *