Connect with us

Capiz News

43 anyos na lalaki arestado sa Pres. Roxas, Capiz dahil sa iligal na droga

Published

on

Arestado ang isang 43-anyos na lalaki sa Brgy. Poblacion (Swa), Pres. Roxas, Capiz dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Kinilala sa report ng Pres. Roxas, Capiz ang akusado na si Jessie Deseo, laborer at residente ng nasabing lugar.

 

Ang akusado ay inaresto ng Pres. Roxas PNP sa pangunguna ni PCapt. Rachelle Garnica, hepe, sa bisa ng warrant of arrest nitong Huwebes ng hapon.

 

Si Deseo ay nahaharap sa kasong paglabag sa section 5 in relation to section 26 Article II of R.A. 9165.

 

Ang kaniyang warrant ay ibinaba at nilagdaan ni Esperanza Isabel Poco-Deslate ng Regional Trial Court Branch-19 dito sa Roxas City nitong Agosto 28.

 

Walang pyansa na itinakda sa kaso ni Deseo.

 

Pansamantalang ikinulong ang akusado sa Pres. Roxas PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *