Connect with us

Capiz News

33 anyos na lalaki patay matapos bugbogin ng tatlong kalalakihan

Published

on

Patay ang isang 33-anyos na lalaki matapos bugbogin ng tatlong kalalakihan sa Brgy. Bun-od, Cuartero Capiz maghahating gabi nitong Martes.

Kinilala sa report ng Cuartero PNP ang biktima na si Juan Esperiano Jr., laborer, residente ng naturang lugar.

Kinilala naman ang mga suspek na sina Niel Aspero, 18, Christian Herosa, 19, at Edjay Bon Mayo, 18, mga residente rin ng parehong barangay.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, nakatagpo umano ng biktima ang mga suspek nang bigla itong pagtulungangan bugbogin.

Dinala pa sa Dao District Hospital ang biktima pero hindi na ito umabot ng buhay.

Nabatid na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang mga suspek nang maganap ang insidente.

Nakakulong na ang tatlo sa Cuartero PNP Station. Posible silang maharap sa kaukulang kaso.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *