Connect with us

Capiz News

32 anyos na lalaki arestado sa Roxas City dahil sa kasong illegal gambling

Published

on

Isang 32-anyos na lalaki ang inaresto ng kapulisan sa Brgy. Sibaguan, Roxas City sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 as amended by Republic Act 9287 o iligal na pagsusugal.

Kinilala ang akusado na si Ricardo Salazar o kilala rin na Mark Legaspi, 32-anyos, isang construction worker, residente ng nabanggit na lugar.

Siya ay inaresto ng kapulisan ng Roxas City PNP, Capiz Provincial Mobile Force Company, at CIDG Capiz.

Nabatid na dati nang nahatulan ng korte ang akusado sa parehong sala.

Ang kaniyang warrant of arrest ay ibinaba ni Ignacio Alajar, Presiding Judge ng Regional Trial Court dito sa Roxas City noon pang Hunyo 22, 2015.

Ang nasabing akusado ay pansamantalang dinala sa police station ng Roxas City PNP para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *