Connect with us

Capiz News

Tricycle driver, massage therapist arestado sa drug buy bust operation sa Ivisan, Capiz

Published

on

Arestado ang isang tricycle driver at isang massage therapist sa drug buy bust operation sa Brgy. Cudian, Ivisan, Capiz.

Kinilala ang mga suspek na sina Randy Apruebo, 33-anyos, residente ng Brgy. Dayao, Roxas City at Elena Domingo, 33, residente ng Maayon, Capiz, pansamantalang nakatira dito sa lungsod.

Ang operasyon ay ikinasa ng Provincial Drug Enforcement Unit kasama ang mga tauhan ng Ivisan PNP.

Nakuha ng mga kapulisan sa operasyon ang pito lahat na sachet ng pinaniniwalaang shabu, Php3,500 na buy bust money, isang cellphone at isang motorsiklo.

Nakakulong ngayon sa Ivisan Municipal Police Station ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *