Connect with us

Capiz News

29 anyos na lalaki sugatan matapos saksakin ng kapatid sa Roxas City

Published

on

sinaksak

Isang 29-anyos na lalaki ang sugatan matapos saksakin ng isa nitong nakatatandang kapatid na lalaki sa Hermano Subdivision sa Brgy. Punta Tabuc, Roxas City hapon ng Linggo.

Kinilala sa report ng Roxas City PNP ang biktima na si Albert Aluad, residente ng Brgy. San Jose, Roxas City habang ang suspek ay si Anthony Aluad, residente ng Hermano Subdvision.

Batay sa report ng kapulisan, nabatid na ang biktima at ang suspek ay pawang nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin. Nagkaroon umano sila ng mainit na pagtatalo habang nasa loob ng bahay.

Sa galit ng biktima, pinukpok niya ng bote ng inumin ang nakatatandang kapatid dahilan para rumesbak ang huli at sinaksak ng basag na bote ang biktima na tinamaan sa kaniyang tiyan.

Sugatan ang biktima at agad na dinala sa Capiz Emmanuel Hospital para gamotin. Dinala rin sa ospital ang suspek matapos magkaroon ng sugat sa mukha.

Pagkatapos ay dinala ng mga kapulisan ang suspek sa police station para imbestigahan.

Kalasingan ang sinasabing sanhi ng insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *