Connect with us

Capiz News

50 anyos na lalaki patay matapos barilin ng riding in tandem sa Panitan, Capiz

Published

on

Patay ang isang 50-anyos na lalaki matapos barilin ng riding-in-tandem sa Sitio Lip-ak, Brgy. Agbabadiang, Panitan, Capiz hapon nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima sa report ng Panitan PNP na si Joey Fegarido, isang bookkeeper, residente ng Brgy. Conciencia, Panitan.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, galing sa bayan ng Pontevedra ang biktima para bumili ng semento at papauwi na ng kanilang residensya sakay ng kaniyang tricycle nang maganap ang insidente.

Dalawang hindi nakikilalang mga suspek ang sakay sa motorsiklo ang tumawag umano sa kaniya saka ito pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.

Agad namang isinugod ng rumespondeng mga tauhan ng Panitan MDRR ang biktima sa Bailan District Hospital pero hindi na ito umabot ng buhay.

Nagtamo ito ng tama ng baril sa kaniyang kanang daliri, dalawa sa dibdib at isa sa balikat.

Narekober ng kapulisan sa pinangyarihan ng insidente ang anim na empty shell ng caliber .45.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Panitan PNP.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *