Connect with us

Capiz News

Isa patay, isa sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Jamindan, Capiz

Published

on

Patay ang isang 30-anyos na magsasaka habang sugatan ang isang 20-anyos na kasama nito matapos tamaan ng kidlat sa Jamindan, Capiz.

 

Kinilala ang namatay na si Novi Eleuterio, residente ng Brgy. Agcococ, Tapaz habang ang sugatan nitong kasama ay si Joey Laraya ng Brgy. Caridad, Jamindan.

 

Ayon sa Jamindan PNP, naganap ang insidente sa Sitio Nag-uring Brgy. Agambolong habang sumisilong sa isang kapilya ang dalawa.

 

Nagtamo ng paso sa iba-ibang bahagi ng katawan ang dalawa.

 

Agad na isinugod ang mga ito sa Mambusao District Hospital pero hindi na umabot ng buhay ang isa sa kanila.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *