Connect with us

Capiz News

Ambulansya at Montero nagsalpukan sa Ivisan, Capiz; Dalawa patay, apat sugatan

Published

on

Dalawa ang patay habang apat naman ang sugatan sa salpukan ng ambulansya ng Sigma at isang Montero Sport sa Brgy. Ondoy, Ivisan dakong alas-10:00 kagabi.

 

Kinilala ang namatay na si Darius Yap, driver ng ambulansya.

 

Sugatan naman ang driver ng Montero na kinilala si PCapt. Alcer Monsera, hepe ng Dumalag PNP, 49-anyos, residente ng Manduriao, Iloilo.

 

Dahil sa tindi ng salpukan, nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang driver ng ambulansya. Dinala pa ito sa Capiz Doctors Hospital pero hindi na umabot ng buhay.

 

Sugatan ang dalawang pasahero ng Montero na kinilalang sina Oliver Clarito Aguihap, 21-anyos, residente ng Brgy. Culajao, Roxas City at Romelyn Gondao Baldado, 19, residente ng Kabankalan City Negros Occidental.

 

Nagtamo rin ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang mga sakay ng ambulansya na sina John Rey Castillon, 29, residente ng Pob. Norte, Sigma, Capiz, at Ernie Fulgencio 25-anyos.

 

Dinala sa magkaibang hospital ang mga pasahero ng parehong vehikulo para gamutin habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Ivisan PNP sa nangyari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *