Connect with us

Capiz News

57-anyos na lalaki arestado sa buy bust operation sa Roxas City, Capiz

Published

on

Himas-rihas ngayon ang isang 57-anyos na lalaki matapos mahuli sa isang buy bust operation sa Purok 1, Barangay Libas, Roxas City.

Kinilala ang suspek na si Joey Anonoy, 57-anyos, residente ng nasabing lugar.


Narekober ng operating team ang apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu katumbas ng Php39,000 halaga ng pera, Php500 buy bust money, at isang cellphone.

Nabatid na dati nang nakulong ang suspek sa parehong kaso noong 2004 pero nakalabas noong 2005 nang ma-dismissed ito.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Roxas City PNP at Provincial Drug Enforcement Agency (PDEA) gabi ng Huwebes.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *