Connect with us

Capiz News

Top Most Wanted Person ng Dao sa kasong murder, arestado

Published

on

Arestado ang Number 1 Top Most Wanted Person ng Dao PNP sa kasong murder umaga ng Lunes.

Kinilala ang akusado na si Gil Baticbatic, Jr. y Mateo alias “Junior”, 40-anyos, isang magsasaka at residente ng Dao, Capiz.

Lumabas ang kaniyang warrant noon pang Nobyembre 2019 na nilagdaan ni Hon. Esperanza Isabel Poco-Deslate, Presiding Judge, RTC, 6th Judicial Region, Branch 19 dito sa Roxas City.

Walang piyansa ang kaniyang kaso.

Ang matagumpay na operasyon ay ikinasa ng Dao PNP sa pangunguna ni PCpt. Efren Yuing, hepe kasama ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit, PRO-ACT Capiz at CIDG Capiz.

Pansamantalang ikinulong sa Dao PNP ang suspek at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *