Connect with us

Capiz News

Top 10 Most Wanted Person ng Roxas City arestado sa kasong Rape

Published

on

Inaresto ng kapulisan ang isang 26-anyos na lalaki sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape sa Hernano Subdivision, Brgy. Punta Tabuc, Roxas City umaga nitong Martes.

Kinilala sa report ng Roxas City PNP ang akusado na si Joemar James Dadivas, residente ng naturang lugar.

Ang warrant ay binaba at nilagdaan ni Kristine B.Tiangco-Vinculado, Presiding Judge, RTC, Branch 16, Roxas City nito lang July 16.

Walang piyansa na itinakda ang korte sa kasong ito.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Roxas City PNP Station sa pangunguna ni PLtCol. Ricardo Jomuad Jr., 602nd MARPSTA sa pangunguna ni PLt. Lucio Vergara Jr., Capiz CIDG Capiz sa pangunguna ni PMaj. Chris Arthemius Debaras.

Pansamantalang ikinulong sa Roxas City PNP Station ang akusado at nakatakdang iharap sa kaukulang korte.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *