Connect with us

Capiz News

Retiradong sundalo pinagbabaril-patay; mahigit Php100K na pera tinangay

Published

on

Isang retiradong sundalo ang pinagbabaril-patay ng riding-in-tandem sa kahabaan ng national sa Brgy. Bolo, Roxas City umaga ng Lunes.

Tinangay ng mga suspek ang bag ng biktima matapos ang krimen laman nito ang nasa Php130,000 pera na pasweldo sana sa mga tauhan ng security agency kung saan siya ay supervisor.

Kinilala ang biktima na si Joniffer Borda, 54-anyos, residente ng Brgy. Lawaan sa lungsod ding ito.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Roxas City PNP, nagwithdraw muna umano ng pera ang biktima ng pera na Php252,770 kung saan idiniposito niya ang Php122,770 sa ibang bangko.

Patungo na sana ang biktima sa kanilang opisina sa Brgy. Bolo para ipamigay ang sweldo sa tauhan ng security agency sakay ng kaniyang motorsiklo nang maganap ang insidente.

Batay sa mga nakasaksi, sinundan umano siya ng dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaki sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ito.

Matapos matumba ang biktima, kinuha ng mga suspek ang bag na naglalaman ng pasweldo saka mabilis na tumakas.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero binawian rin ito ng buhay.

Narekober ng kapulisan ang limang fired cartridges at isang deformed slug ng sinasabing .45 kalibre ng baril. Isasailalim ang mga ito sa ballistic examination.

Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa pagkakakilalan ng mga suspek at sa motibo sa nasabing krimen.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *