Connect with us

Capiz News

7 anyos na batang babae patay matapos mahulog sa balon

Published

on

Patay ang isang 7-anyos na batang babae na sinasabing nahulog sa balon sa gitna ng palayan sa Brgy. Matnog, Ivisan hapon ng Lunes.

Kinilala ang biktima na si Grace Bautista, isang Grade 1 pupil sa Matnog Elementary School, residente ng nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ng Ivisan PNP, nagtungo ang biktima kasama ang tatlong taon-gulang niyang kapatid na babae sa balon para maligo nasa 20 metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Makalipas ang isang oras, nakita nalang ni Meryl Andres Bautista, 13-anyos, ang umiiyak niyang tatlong taon-gulang na pamangkin.

Dito ipinaalam ng tatlong taon-gulang na bata ang nangyari sa kaniyang ate.

Naabutan nalang ng 13-anyos na tita nito na nakalutang na ang biktima. Iniahon niya ito at tinawag ang mga magulang ng 7-anyos.

Dinala pa ng Ivisan Rescue Unit sa Capiz Doctors Hospital sa Roxas City ang bata pero hindi na ito umabot ng buhay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *