Connect with us

Capiz News

Retired police, misis, sugatan matapos pagbabarilin sa Dao, Capiz Sugatan ang isang retiradong pulis at misis nito makaraang pagbabarilin habang nasa loob ng kanilang

Published

on

Sugatan ang isang retiradong pulis at misis  nito makaraang pagbabarilin habang nasa loob ng kanilang lumang bahay sa Brgy. Matagnop, Dao, Capiz.

Kinilala sa report ng Dao PNP ang mag-asawa na sina Gerardo Enesario at Norma Enesario ng Brgy. Ilas Norte, sa parehong bayan.

Ang suspek ay kinilala naman sa pangalang Jimmy Dordas.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisalan, nangunguha ang dalawa ng kanilang mga gamit sa luma nilang bahay nang bigla nalang umanong dumating ang suspek.

Nagkaaroon umano ng mainit na pagtatalo ang magkabilang panig dahilan para magalit ang suspek at pagbabarilin niya ang mga biktima.

Nagtamo ng sugat sa paa ang mga biktima dahilan para agad isugod ang mga ito sa ospital habang sumuko naman sa kapulisan ang suspek.

Isinurender ng suspek sa kapulisan ang isang Glock17 na baril laman ang magazine at 13 mga bala ng caliber .9mm.

Nakakulong na ang suspek sa Dao PNP Station at posibleng maharap sa kaukulang kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *