Connect with us

Capiz News

50-ANYOS NA LALAKI SUGATAN MATAPOS MABUNDOL NG SASAKYAN

Published

on

Sugatan ang isang 50-anyos na motorista matapos mabundol ng sasakyans sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Tanza Norte, Panay, Capiz dakong alas-6:00 ng gabi kahapon.

Kinilala ang biktima na si Pepito Bacomo, residente ng New Road Brgy Banica Roxas City habang kinilala naman ang driver-suspect na si Ariel Degala, male, 56,  residente ng President, Roxas Capiz.

Batay sa imbestigasyon ng Panay PNP, binabaybay ng biktima ang kahaban ng national highway mula President Roxas patungong Roxas City nang maganap ang aksidente.

Nagcounterflow umano ang Mazda Sedan na menamaneho ng suspek dahilan para masalpok nito ang kasalubong na motersiklo.

Nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang driver ng motorsiklo. Mabilis namang romesponde ang mga rescuers at agad na dinala sa pribadong ospital sa Roxas City.

Nasa kostudiya ngayon ng kapulisan ang mga sasakyan na sangkot sa aksidente habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *