Connect with us

Capiz News

Magsasaka natagpuang patay sa tabi ng ilog sa Jamindan, Capiz

Published

on

Isang lalaki ang natagpuang patay sa tabi ng ilog sa Brgy. San Juan, Jamindan, Capiz hapon ng Miyerkoles.

Kinilala sa report ng Jamindan PNP ang biktima na si Eric Valaquio y Mauricio, 27-anyos, isang magsasaka, residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa kapulisan, naglalakad si Gloria Valaquio sa tabi ng Manilamon river nang makaamoy ito ng mabaho at natagpuan ang isang patay na lalaki na bahagyang natatabunan ng lupa.

Kalaunan nakilala ito na kaniya palang anak na hindi na umano nakakauwi ng kanilang bahay simula noong Hunyo 4.

Sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, posibleng binaril ng hindi pa malamang kalibre ng baril ang nasabing biktima.

Nakatakdang isailalim sa utopsiya ang bangkay habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *