Connect with us

Capiz News

Lending collector sa Pontevedra hinold-up; Php50K koleksyon natangay

Published

on

Isang lending collector ang napaulat na hinold-up ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Brgy. Binuntucan, Pontevedra, Capiz tangay ang tinatayang Php50,000 koleksiyon nito.

Kinilala sa report ng Pontevedra PNP ang biktima na si Ronald Alcazaren, 22-anyos, residente ng Brgy. Navitas, Panay.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, binabaybay ng biktima ang kalsada sakay ng kaniyang motorsiklo nang maganap ang insidente.

Binangga umano siya ng tatlong hindi pa nakikilalang mga indibidwal kung saan isa rito ay nakasuot ng pulang long sleeve na damit.

Hindi na nakapalag ang biktima at nagawang matangay ng mga suspek ang koleksyon niya, personal na tablet, at wallet na naglalaman ng Php1,000.

Nabatid na hinulog pa ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima sa bangin bago tumakas.

Nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang kolektor.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *