Connect with us

Capiz News

Guro sinaksak sa isang lamay sa Dumarao, Capiz

Published

on

Patuloy na ginagamot sa ospital ang isang lalaking guro matapos siyang saksakin sa isang lamay sa Brgy. Aglanot, Dumarao, Capiz.

Kinilala sa report ng Dumarao PNP ang biktima na si Ronilo Dagumampan, 36-anyos, habang kinilala naman ang suspek na si Nicasio Corcero, 40, mga residente ng naturang lugar.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, nakaupo lamang sa upuan ang biktima nang bigla nalang siyang saksakin ng suspek sa di malamang dahilan.

Nagtamo ng sugat sa kamay at gilid ng katawan ang biktima at mabilis na isinugot sa Dao District Hospital pero kalaunan ay inilipat sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

Sumuko naman sa kapulisan ang suspek matapos ang insidente. Nabatid na nasa impluwensiya ito ng nakalalasing na inumin nang saksakin niya ang biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *