Connect with us

Capiz News

Dating sundalo himas-rihas matapos mahulihan ng Granada sa Dumarao, Capiz

Published

on

Himas-rihas ngayon ang isang dating miyembro ng Philippine Army matapos mahulihan ng granada sa Brgy. Aligpasiawan, Dumarao, Capiz.

Batay sa report ng Dumarao PNP, nakatanggap sila ng reklamo mula sa isang residente na may isang lalaki sa lugar na may bitbit na granada.

Agad na rumesponde sa lugar ang kapulisan at naaktuhan ang suspek na may bitbit na granada dahilan para siya ay arestuhin ng mga otoridad.

Nabatid na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang suspek nang maganap ang insidente gabi ng Miyerkoles.

Nakakulong na ngayon sa Dumarao PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9516.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *