Connect with us

Capiz News

Mister patay matapos magbigti sa Pilar, Capiz

Published

on

Patuloy na inaalam ngayon ng pamilya ang sanhi ng pagpapakamatay ng isang 32-anyos na mister sa Brgy. Olalo, Pilar, Capiz.

Nabatid na natagpuan nalang ng ina na nakabitay na sa loob ng kanilang bahay ang lalaki at wala nang buhay.

Napag-alaman pa na bago ang insidente, naligo pa umano sa ilog ang lalaki saka nakipag-inuman kasama ang barkada.

Hindi pa tiyak kung may kinalaman ba ang pagseselos niya sa katrabaho ng kaniyang misis sa Iloilo. Nagtampo umano ito sa asawa pero kalaunan ay nagkaayos rin.

Hindi nakauwi ang misis dahil narin sa ipinatutupad na travel restriction ng probinsiya.

Iniimbestigahan pa ng kapulisan ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *