Connect with us

Capiz News

Bahay ng alkalde sa Cuartero, Capiz nasunog

Published

on

Bahagyang nasunog ang bahay ni Mayor Tito Mayo ng Cuartero, Capiz sa Brgy. Poblacion Takas sa nasabing bayan.

Batay sa report ng Cuartero Municipal Fire Station, sa stock room sa ikalawang palapag ng bahay nagmula ang apoy.

Batay sa paunang ulat, faulty wiring ang sanhi ng insidente. Nabatid na ang circuit breaker ay naroon din sa kuwarto kung saan nagmula ang sunog.

Mabilis na rumesponde ang mga bombero sa lugar at naupala ang apoy.

Tinatayang Php42,000 ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *