Connect with us

Capiz News

37 anyos na lalaki arestado sa buybust operation Sapian, Capiz

Published

on

Timbog sa buy bust operation ang isang 37-anyos na lalaki sa Brgy. Poblacion, Sapian, Capiz gabi  ng Miyerkoles, Hulyo 1.

Kinilala ang suspek na si Ludivico Lozada, 37-anyos, drug surenderee, residente ng Sitio Bangkal, Brgy. Maninang sa nasabing bayan.

Narekober sa suspek ang apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu, mga drug paraphernalia, Php600 buy bust money at tricycle.

Nabatid na mula sa Roxas City ang suspek nang mahuli siya ng Sapian PNP sa pangunguna ni PLt. Nanette Puazan.

Pansamantalang ikunulong sa lock-up cell ng Sapian PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *