Connect with us

Capiz News

Lalaki sugatan matapos saksakin ng kainuman sa Cuartero, Capiz

Published

on

LALAKI TINADTAD NG SAKSAK PATAY

Ginagamot ngayon sa ospital ang isang 44-anyos na lalaki matapos umanong saksakin ng kainuman sa Brgy. Agcabugao, Cuartero, Capiz.

 

Kinilala sa report ng Cuartero PNP ang biktima na si Erwin David habang kinilala naman ang suspek na si Vic Pedrosa, 36-anyos, mga residente ng nasabing lugar.

 

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng suspek nang magkaroon umano sila ng hindi pagkakaintindihan.

 

Dito na kumuha ng kutsilyo ang suspek sa kanilang kusina at bigla nalang sinaksak ang biktima sa kaniyang dibdib.

 

Mabilis na isinugod sa Dao District Hospital ang biktima pero kalaunan ay inilipat din sa isang pribadong ospital sa Roxas City.

 

Agad na tumakas ang suspek matapos ang insidente.

 

Patuloy pang iniimbestigahan ng kapulisan ang nangyari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *