Connect with us

Capiz News

Lalaki arestado matapos saktan ang 74 anyos na ama

Published

on

Inaresto ng kapulisan ang isang 38-anyos na lalaki matapos saktan ang sariling ama sa Brgy. Dayao, Roxas City hapon ng Linggo.

 

Kinilala ang suspek na si Junius Fiolog Jr. habang kinilala naman ang biktima na si Junius Fiolog, mga residente ng nasabing lugar.

 

Batay sa report ng kapulisan, nakatanggap umano sila ng ulat na sinasaktan ng suspek ang kaniyang ama bagay na nirespondehan nila ito kasama ang mga tanod ng barangay.

 

Dinala sa Roxas City PNP ang suspek habang isinugod naman sa hospital ang kaniyang ama para gamotin.

 

Nabatid na bago naganap ang insidente, pinagbabantaan umano niyang patayin ang mga miyembro ng pamilya Anonat sa kanilang barangay.

 

Matapos arestuhin ang suspek ay naglaslas pa ito sa pulso bagay na naawat ng kapulisan at isinugod sa ospital.

 

Pinaniniwalaang nakakaranas ng sakit sa pag-iisip ang suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *