Connect with us

Capiz News

29 anyos na lalaki arestado sa pagbenta ng baril

Published

on

Arestado ang isang 29-anyos na lalaki sa Teodoro Arcenas Trade Center sa Barangay VIII sa Roxas City dahil sa pagbenta ng baril.

 

Kinilala ang suspek na si Jessi Jardin, residente ng Brgy. Lublub, Dumangas, Iloilo.

 

Siya ay naaresto sa buy bust operation na ikinasa ng mga pinagsamang tauhan ng Roxas City PNP, CIDG Capiz, at Highway Patrol Group hapon ng Linggo.

 

Nabili ng isang miyembro ng operatiba na umakto bilang poseur buyer ang isang unit ng pistolized shotgun, isang live ammunition ng 12 gauge shotgun, at Php1,000 buy bust money.

 

Pansamantalang ikinulong sa Roxas City PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *