Connect with us

Capiz News

LIMA ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA ROXAS CITY; SUBJECT PERSON NAKATAKAS

Published

on

Arestado ang limang katao sa buy bust operation na ikinasa ng mga kapulisan sa Sitio Nipa, Brgy. Culasi, Roxas City Biyernes ng hapon habang nakatakas naman ang subject sa operasyon.

Kinilala ang nakatakas na si Necanor Macalintal, 46-anyos, isang drug surenderee, residente ng nasabing lugar.

Habang kinilala naman ang mga naaresto na sina July Born Macalintal at isang menor de edad na si alyas Doy, mga anak ng nakatakas na suspek; tiya ng mga ito na si Lanie Macalintal, 47; at sina Jem Benemile, 20, at Jaylord Aregora, mga residente ng naturang barangay.

Mariin namang itinatanggi ng mga suspek na sangkot sila sa iligal na gawain.

Narekober ng operatiba sa bahay kubo na nagsisilbi umanong drug den ng mga suspek ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, Php15,000 buy bust money, cellphone, at mga drug paraphernalia.

Tinatayang aabot sa Php52,000 ang halaga ng mga narekober na shabu.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency – Capiz at Roxas City PNP.

Nakakulong na ngayon ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 pati na ang nakatakas na suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *