Connect with us

Capiz News

Lalaki patay matapos maaksidente sa motorsiklo sa Brgy. Dinginan, Roxas City

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos maaksidente sa sinasakyan niyang motorsiklo sa kahabaan ng kalsada ng Pueblo de Panay sa Brgy. Dinginan, Roxas City Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Elmo Gardose, 43-anyos, tubong Tapaz, Capiz.

Ayon sa report ng kapulisan, naganap ang aksidente dakong alas-10:10 ng gabi.

Batay sa saksi mabilis umano ang patakbo ng biktima sa kaniyang motorsiklo hanggang sa mabangga ito sa bato at natumba sa rap road.

Dahil rito nagtamo ng malubhang sugat sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan ang biktima.

Agad itong nilapatan ng paunang lunas ng mga rumespondeng tauhan ng Capiz Emergency Response Team at mabilis na isinugod sa Capiz Doctors Hospital para gamutin.

Ilang minuto lang ang nakalipas, binawian ng buhay ang driver habang ginagamot sa ospital.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *