Connect with us

Capiz News

34 anyos na lalaki, arestado matapos sipain at suntukin sa ulo ang sariling ina

Published

on

Himas rihas ang isang 34 anyos na lalaki matapos niyang sipain at suntukin ang sariling ina sa Brgy. Culasi, Roxas City.

Kinilala ang suspek na si Santiago Anisco, walang trabaho, residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Roxas City PNP, nakatanggap sila ng tawag dakong alas-8:30 ng gabi noong Huwebes na mayroong komosyon sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, nag-iinom ang suspek kasama ang isa pa niyang kapatid na lalaki nang mauwi ito sa komosyon.

Binugbog umano ng suspek ang kaniyang kapatid. Sinubukan ng ina na awatin ang suspek pero siya ay sinipa at sinuntok.

Dahil rito, pansamantalang ikinulong ng kapulisan ang suspek habang isinailalim naman sa kaukulang medikasyon ang kaniyang ina dahil sa tinamo niyang sugat.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *