Connect with us

Capiz News

Lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa naka-park na tricycle

Published

on

Patay ang isang 29-anyos na lalaki matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa nakapark na tricycle sa Brgy. Mongpong, Roxas City.

Kinilala ang biktima sa report ng Roxas City PNP na si Jomar Sigarino, 29-anyos, isang truck driver, residente ng Brgy. Dapdapan, Sapian.

Naganap ang aksidente dakong alas-9:35 ng gabi ng Miyerkoles habang nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo ang biktima.

Nabangga nito ang tricycle na nakapark sa kanang bahagi sa labas ng kalsada.

Nabatid na natutulog ang driver ng tricycle na kinilalang si Relly Arenajo, 50, ng Brgy. Tiza, Roxas City sa loob ng tricycle.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Roxas City Emergency Response Unit at isinugod sa Roxas City Memorial Provincial Hospital ang biktima pero dineklara itong patay ng attending physician.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima na nabatid nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin nang maganap ang aksidente.

Iniimbestigahan pa ito ng kapulisan ang nangyari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *