Connect with us

Capiz News

40 anyos na lalaki arestado sa kasong attempted murder

Published

on

Arestado ang isang 40-anyos na lalaki sa Brgy. Daga, Panay, Capiz dahil sa kasong attempted murder.

Kinilala ang akusado na si Roger Aguilar, 40, residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Panay PNP, naaresto ang lalaki nitong Hunyo 23, araw ng Martes, sa bisa ng warrant of arrest.

Ang kaniyang warrant ay ibinaba ng Presiding Judge Ignacio Alajar ng Branch 18, Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Hall of Justice, Roxas City nitong Hunyo 15.

Isinerbe ito ng mga tauhan ng Panay PNP sa pangunguna ni PCapt. Marvin Balmes, hepe, at CIDG Capiz sa pangunguna ni PMaj. Chris Arthemius Devaras.

Php120, 000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Pansamantalang ikinulong sa lock-up cell ng Panay PNP ang akusado bago dalhin sa kaukulang korte.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *