Connect with us

Capiz News

Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Damaged to Property

Published

on

Timbog ang isang wanted person ng Dumarao PNP sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Damaged to Property sa Brgy. Candari, Pandan, Antique.

 

Kinilala ang akusado na si Ervin Alvarez, 55-anyos, walang trabaho, residente ng nasabing lugar.

 

Siya ay inaresto ng mga tauhan ng Dumarao PNP sa pangunguna ni PCapt. Laarnel Frial, hepe, kasama ang mga tauhan ng Pandan PNP Linggo ng hapon.

 

Ang kaniyang warrant ay ibinaba at nilagdaan ni Judge Jerson Almabis, 4th Municipal Circuit Trial Court sa Dumaro, Capiz nito lang Hunyo 17.

 

Nagtakda ng Php60,000 pyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

 

Temporaryong ikinustodiya sa Pandan PNP ang akusado bago dalhin sa kaukulang korte.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *