Connect with us

Capiz News

MISTER AT KABIT HULI SA AKTO NI MISIS SA SARILI NILANG BAHAY SA IVISAN, CAPIZ

Published

on

Huli sa akto ni misis ang kaniyang mister habang kasiping ang kerida nito sa sarili nilang pamamahay sa Brgy. Poblacion Sur, Ivisan, Capiz.

Ayon sa report ng Ivisan PNP, umuwi ang misis sa kanilang bahay kasama ang menor de edad na anak na babae para kunin ang TV para dalhin sana sa kanilang tindahan.

Pagkarating dakong alas-11:00 kagabi, bumungad sa misis sa bakuran ng kanilang kapitbahay ang motorsiklo ng kerida ng kaniyang 43-anyos na mister.

Dahil sa pagdududa, sinilip ng misis ang loob ng kuwarto ng kanilang bahay at bumulaga sa kaniya ang nakahubad na mister at 24-anyos na kerida nito habang nagsisiping.

Pagtahol ng aso dali-dali umanong isinuot ng mister ang short saka naman tinangka ng 42-anyos na misis na pumasok sa loob ng kanilang bahay.

Pilit pinipigilan ng mister ang asawa na makapasok para hindi nito masaktan ang kaniyang kerida. Sa galit ni misis, hinampas niya ng bote ng beer ang mister.

Habang ang menor de edad na anak ay humingi ng tulong sa kagawad ng barangay.

Dali-dali namang tumakas ang kerida na isa umanong technical assistant sakay ng kaniyang motorsiklo.

Nagpapagaling ngayon ang mister sa Roxas Memorial Provincial Hospital dahil sa tinamo niyang sugat.

Posibleng maharap sa kasong Cuncubinage ang lalaki at ang kerida nito.

Nabatid na mayroon nang hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa bago ang insidenteng ito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *