Connect with us

Capiz News

Babae sinampal, sinabunutan ng isang babae dahil sa lalake

Published

on

Nagsumbong sa kapulisan ang isang 25-anyos na babae sa Roxas City PNP matapos siyang sampalin at sabunutan ng isang babae habang nasa mall sa lungsod na ito.

Ayon sa biktima na isang supervisor sa isang bookstore, residente ng Brgy. Cabugao, Roxas City, nagkikipag-video call umano siya sa kaniyang boyfriend ng dumating ang suspek.

Sinabunutan umano siya ng 25-anyos na suspek, residente ng Brgy. Lanot, at hinila pa sa kaniyang uniporme at pinagsasampal sa iba-ibang bahagi ng katawan.

Inawat ng guwardiya ang dalawa at dinala sa administration office ng nasabing mall para pahbatiin.

Habang naroon, sinabi ng suspek na nakikipag-chat umano ang biktima sa kaniyang boyfriend kaya nagawa niya itong saktan bagay na itinanggi ng huli.

Dahil sa insidente nagtamo ng pasa sa kamay at sugat sa daliri ang biktima at inabisuhang sumailalim sa paggamot.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *