Connect with us

Capiz News

“Pan de Utan” ipinamamahagi ng Roxas City government sa mga senior citizen

Published

on

Namamahagi ngayon ng “Pan de Utan” ang Roxas City Government sa mga senior citizen dito sa lungsod ngayong panahon ng community quarantine.

Sinimulan ang pamamahagi ng tinapay na may halong gulay o “utan” sa mga senior citizen sa unang araw nitong buwan ng Mayo sa tulong ng ilang mga riders dito sa Capiz.

Ayon kay Mayor Ronnie Dadivas bawat araw ay mayroong cluster barangay na bibisitahan ang City Government para dalhan ng Pan de Utan.

Nabatid na nagdonate ang San Miguel Foods ng 150 sakong harina sa pamahalaang panglungsod para gawing tinapay.

Magdaragdag rin ng counterpart ang pamahalaang panlungsod ayon kay Dadivas para mas marami pang maabutan ng proyekto.

Tulong-tulong din ang iba-ibang bakery dito sa Roxas City para makagawa at makahain ng mga tinapay para kina lolo at lola.

Para sa karamihan maganda ang proyekto na ito para mabigyan ng kasiyahan ang mga senior lalo at hindi sila pinapayagang lumabas ng bahay ngayong quarantine.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *