Connect with us

Capiz News

ISANG LALAKI SUGATAN MATAPOS TAGAIN NG BAYAW SA MAAYON, CAPIZ

Published

on

LALAKI, TINAGA NG PINSAN

Sugatan ang isang 34-anyos na lalaki matapos tagain ng kanyang bayaw Miyerkoles ng hapon sa Brgy. Batabat, Maayon.

Kinilala sa ulat ng Maayon PNP ang biktima na si Randolf Dellomos habang ang suspek ay si Joebert Dordas, 27.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, magkasama ang dalawa na nag-iinuman sa bahay ng suspek matapos makatanggap ng tig-Php6,000 na amelioration mula sa DSWD.

Habang nasa gitna ng inuman, nagkaroon umano ng matinding pagtatalo ang dalawa dahil sa nangyaring away ng kanilang mga anak.

Ikinagalit ng suspek ang kanilang pagtatalo kaya kumuha ito ng itak at tinaga ang biktima na natamaan sa kaniyang kamay.

Agad isinugod sa Bailan District Hospital ang biktima habang pinaghahanap pa ng kapulisan ang suspek matapos itong tumakas.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *