Connect with us

Capiz News

Roxas City maglalagay ng mga mobile market sa gitna ng krisis sa COVID-19

Published

on

Good news sa mga nababagot at hirap sa pagpila para makapamalengke sa Roxas City!

Isinusulong ngayon ng Roxas City government sa probinsiya ng Capiz ang paglalagay ng mga mobile market sa mga pangunahing lugar sa lungsod.

Ayon kay Mayor Ronnie Dadivas, layunin nito na mabawasan ang pagdagsa ng mga tao na namamalengke sa Teodoro Arcenas Trade Center (TATC), ang pangunahing pamilihang lugar ng syudad.

Katuwang ang Philippine Chamber of Commerce and Industry, plano ng pamahalaang lokal ang maglagay ng 10 Mobile Market sa mga strategic cluster areas sa Roxas City.

Kabilang sa mga temporaryong paglalagyan ng mobile market ay ang mga Barangay Libas, Dayao, Lawaan, Loctugan, Cagay, Culasi, Banica, Milibili at People’s Park sa Brgy. Baybay.

“Paagi sini mangin madali ang pagpanindahan sang aton pumuluyo kag malikawan ang paglapta sang CoronaVirus,” saad ni Dadivas.

Sa ngayon, nakatakdang umpisahan ang mobile market sa tatlong pilot areas para masiguro kung epektibo ito bago ilagay ang sampo lahat na mobile market.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *