Connect with us

Capiz News

Kontraktor, DPWH ipatatawag ng City Council re: San Roque St. reconstruction issue

Published

on

Walang koordinasyon at kaukulang permit mula sa City Government ang kontraktor ng road reconstruction ng San Roque St. dito sa Roxas City, Capiz.

Ito ang binigyan-diin ni Konsehal Garry Potato sa kanyang diskurso-pribilehiyo sa regular session ng Sangguniang Panglungsod araw ng martes, Marso 10.


Mababatid na nagulantang ang ilang mga residente noong nakaraang linggo nang simulang gibain ang bahagi ng nasabing kalsada na maayos pa namang tingnan.

Napag-alaman na ang proyekto ay ginagawa ng G. Arabia Platinum Construction and Development Corporation.

Sinabi ni Konsehal Potato na sa ilalim ng City Ordinance number 46-2016, kailangang kumuha muna ng permit sa City Government ang mga kontraktor para sa mga kalsada na kanilang gagawin.

Iginiit pa niya na maraming mga kalsada ang kailangang ayusin at tapusin kesa sa kalsadang ito.

Kaugnay rito nais ipatawag ng Sanggunian ang kontraktor, Department of Public Works and Highways at ang City Engineering Office para sa pagdinig para pagpaliwanagin.

Sinabi pa ng lokal na mambabatas na maaaring amyendahan nila ang ordinansa para maging akma ang mga penalidad sa mga lalabag sa probisyon nito at para mapaigting pa ang lokal na batas.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *