Connect with us

Capiz News

33-anyos na lalaki arestado matapos mahulihan ng mga baril, bala sa Pilar, Capiz

Published

on

Nakakulong ngayon sa Pilar PNP Station ang isang 33-anyos na lalaki matapos mahulihan ng mga baril at bala sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Dulangan, Pilar, Capiz.

Kinilala ang suspek na si Eric Banico, 33-anyos, may asawa, residente ng naturang lugar.

Narekober ng kapulisan ang isang yunit ng .38 revolver na may apat na live ammunition at isang yunit ng homemade 12 gauge shotgun na may lamang magazine.

Hinalughog ng Pilar PNP sa pangunguna ng kanilang hepe na si PCpt. Alfred De Leon ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant umaga ng Sabado, Marso 7.

Ang warrant ay ibinaba ni Hon. Ignacio Alajar, Executive Judge ng Regional Trial Court Branch 18 dito sa Roxas City nitong Marso 5.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *