Connect with us

Capiz News

Pangangalimos ng mga Badjao sa Roxas City gustong masolusyonan

Published

on

Makikita ngayon sa ilang pangunahing lansangan maging sa harap ng mga malalaking mga establisyemento sa Roxas City ang mga nangangalimos na mga Badjao.

Kaugnay rito, gustong masolusyonan ng Sangguniang Panglungsod ng Roxas dito sa Capiz ang pangangalimos ng mga katutubong Badjao sa lungsod.

Sa kaniyang diskurso pribilehiyo sa sesyon ng Sanggunian, sinabi ni Konsehal Midelo Ocampo na bagaman hindi niya dini-discriminate ang mga katutubo, minsan ay nagiging abusado na umano sila.

Ito ang puna ng konsehal matapos siya mismo ang nakasaksi sa pangangalimos ng mga Badjao. Isa umanong Badjao na nangalimos ang nagalit sa isang babae matapos hindi siya nabigyan ng pera.

Maging siya umano ay hiningan ng pera ng isang Badjao na binigyan niya ng Php20 pero  hindi umano nakuntento rito ang Badjao at nagtawag ng kasama.

Ang ikinalulungkot umano niya na sa kabila ng malalakas at malusog na pangangatawan ay nangangalimos sila.

Nababahala ang opisyal na baka maimpluwensiyahan ng mga ito ang mga bata sa Roxas City na mangalimos.

Bilang tugon, sinabi ni Konsehal John Paul Arcenas, mas mabuting huwag nalang bigyan ng limos ang mga ito. Dagdag pa niya, minsan na silang inalok ng trabaho ni Mayor Ronnie Dadivas pero ayaw umano nila.

Nangako naman si Konsehal Ocampo na magpapasa ng batas o ordenansa na makakatulong sa mga Badjao.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *