Connect with us

Capiz News

44-anyos na lalaki tinaga sa ulo, iba pang bahagi ng katawan; susek kalaboso

Published

on

Malubha ang lagay ng isang 44-anyos na lalaki mula Brgy. Poblacion Norte, Ivisan, Capiz matapos pagtatagain sa kanyang ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Kinilala sa ulat ng Ivisan PNP ang biktima na si Romil Rodico Esmarialino habang ang suspek naman ay si Bobby Demo Jorda, 29, parehong residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, katatapos lang umanong uminon ng suspek kasama ang barkada nang dumating ang biktima sa bakuran ng suspek.

Pinagduduruan umano ng biktma ang suspek na nauwi sa mainit na pagtatalo. Hinamon ng away ng biktima ang suspek. Umuwi ito sa kanilang bahay at bumalik bitbit ang pamalo.

Dahil sa panghahamon ng biktima, kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga ito.

Agad na isinugod ng Ivisan Rescue Unit ang biktima sa Roxas Memorial Provincial Hospital para magamot habang naaresto naman ng kapulisan ang suspek.

Narekober ng mga otoridad ang pamalo at ang tagib ng itak sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *