Connect with us

Capiz News

30-anyos na lalaki tiklo matapos maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga

Published

on

Tiklo ang isang 30-anyos na lalaki matapos maaktuhan ng kapulisan na nagbebenta ng iligal na droga sa Brgy. Binuntucan, Pontevedra, Capiz.

Kinilala ang suspek na si Elvero Culasino y Borne, 30-anyos, residente ng Brgy. Quiho, Pres. Roxas.

Nahuli sa akto ang suspek sa ikinasang buy bust operation gabi ng Huwebes kung saan nakuha sa kanya ang 500 buy bust money at 12 sachet na may lamang pinaniniwalaang shabu.

Ayon sa report ni KaTodong Butchoy Obienda, newly identified drug personality ang nasabing suspek batay narin sa kapulisan.

Ang nasabing operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit at ng Special Drug Enforcement Team ng Pontevedra PNP sa pangunguna ni PMaj. Chrestopher Candelario.

Pansamantalang nakakulong ngayon sa Pontevedra PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *