Connect with us

Capiz News

20-anyos na lalaki kalaboso sa pagnanakaw sa Panitan; 6 panabong na manok narekober

Published

on

Kalaboso ang isang 20-anyos na lalaki sa Brgy. Balatucan, Panitan, Capiz matapos magnakaw ng mga panabong na manok habang pinaghahanap pa ng kapulisan ang isa nitong kasama.

Batay sa rekord ng Panitan PNP nakilala ang naaresto na si Carlo Aninacion, residente ng Brgy. San Jose, Roxas City.


Sa panayam ni KaTodong Butchoy Obienda kay PLt. Reynaldo Lata, hepe ng Panit-an PNP, narekober ng kapulisan mula sa naarestong suspek ang limang pansabong na manok.

Positibong kinilala ng may-ari na si Joejie Dolo ang mga panabong na manok na narekober sa suspek. Nagkakahalaga ang mga ito ng Php50,000.

Saad ng biktima mag-papakain na sana siya ng mga alagang manok Lunes ng umanga, Marso 16, nang malamang nawawala na ang lima sa mga ito.

Sa follow-up investigation, isa pang panabong na manok ang narekober ng Panitan PNP sa Brgy. Cabugao sa bahay ni Hector Distor, kasamahan ng naaresto na si Aninacion.

Ang manok ay pagmamay-ari ni Alfredo Desales ng Brgy. Conciencia na nagkakahalaga ng Php7,000.

Nasa kostudiya na ng Panitan PNP ang isang suspek habang pinaghahanap ang isa pa. Mahaharap ang mga ito sa kasong theft.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *