Connect with us

Capiz News

20-anyos na lalake patay sa banggaan ng van at motorsiklo

Published

on

Patay ang isang lalake matapos sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isang van sa Brgy. Linambasan, Jamindan, Capiz gabi ng Biyernes.

Kinilala ang namatay na si Dave Gallano, 20-anyos, residente ng Brgy. Maantol, sa nasabing bayan.


Nagtamo naman ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang angkas nito na si Cyrel De Juan, 21.

Nakilala ang driver ng van na si Joeffrey Lizada, 56-anyos, isang retired army, residente ng Jaena Norte, Jamindan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan ng Jamindan, papauwi na sa kanilang lugar si Lizada nang makabanggan nito ang kasalubong na motorsiklo sa kurbadang bahagi ng kalsada.

Dahil sa tindi ng salpukan, tumilapon ang mga sakay ng motorsiklo.

Agad na dinala sa ospital ang dalawa pero binawian ng buhay ang driver ng motorsiklo habang patuloy namang ginagamot ang kaniyang angkas.

Boluntaryo na sumurender kay Punong Barangay Henry Vili ng Jaena Norte ang driver ng van na nagturn-over sa kaniya sa Jamindan PNP.

Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *