Connect with us

Capiz News

2 sugatan matapos mahagip ng motor ang kanilang sinasakyang motor sa bayan ng Panay

Published

on

Sugatan ang isang driver at ang backrider nito matapos mahagip ng isang motorsiklo ang kanilang sinasakyang motorsiklo Brgy. Cogon, Panay, Capiz.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Khen Dequiña, 30-anyos, driver, residente ng Brgy. Dais, Pontevedra at ang back rider na si Jonnel Buhat, 25-anyos, residente ng Brgy. Tacas, Pontevedra.


Ayon sa report ng Panay PNP, binabaybay ng mga biktima ang kalsada mula bayan ng Pontevedra patungong Panay town proper nang maganap ang aksidente.

Naganap ito Huwebes ng gabi, Marso 12.

Pagdating sa pinangyarihan ng aksidente ay nahagip ang kanilang motorsiklo ng isa pang motorsiklo na menamaneho ni John Peter Rufino, 19, residente Brgy. Inzo, Roxas City.

Dahil rito natumba sa konkretong kalsada ang mga biktima at nagtamo ng sugat sa ilang bahagi ng katawan.

Agad naman silang dinala ng mga rumespondeng tauhan ng Panay PNP sa Bailan District Hospital for Medical Treatment para gamutin pero kalaunan ay inilipat rin sa prominenteng ospital para sa karagdagang paggamot.

Parehong nasa pangangalaga ng kapulisan ang kanilang mga motorsiklo.

Walang maipakitang mga lisensiya ang mga driver.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *