Connect with us

Capiz News

2 MOTORSIKLO NAGBANGGAAN SA BRY. LAWAAN, ROXAS CITY; 2 SUGATAN

Published

on

Sugatan ang dalawang katao matapos magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa Km. 3, Brgy. Lawaan, Roxas City madaling araw ng Miyerkoles.

Kinilala ang driver ng isang motorsiklo na si Mary Jean Deloviar, 32-anyos, angkas nito si Joseph Deloviar, 57, mga residente ng Brgy. Liong.

Isang 16-anyos naman na menor de edad ang driver ng isa pang motorsiklo angkas nito sina Jasper Begaso, 18, mga residente ng Brgy. Daga, Panay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Roxas City PNP, binabaybay ng driver na si Mary Jean ang kahabaan ng kalsada nang bigla nalang nilang nakasalubong ang motorsiklo na menamaneho ng naturang menor de edad matapos mag-overtake sa isa pang motorsiklo.

Dahil dito, parehong natumab ang mga motorsiklo at nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang menor de edad na driver at ang backrider ng isang motorsiklo na si Joseph Deloviar.

Agad na isinugod sa ospital ng Emergency Response Team ang mga sugatan para sa kaukulang paggamot.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *